https://bandera.inquirer.net/283177/ai-ai-naglagas-ang-buhok-dahil-sa-stress-sa-us-planong-magpabakuna-kontra-covid-19 Ai Ai naglagas ang buhok dahil sa stress; sa US planong magpabakuna kontra COVID-19 Ervin Santiago | Bandera April 30,2021 - 09:11 AM SA Amerika planong magpaturok ng bakuna kontra COVID-19 ng mag-asawang Ai Ai delas Alas at Gerald Sibayan. Inamin ng Comedy Concert Queen na nagdadalawang-isip pa rin siyang magpa-vaccine ng anti-COVID dahil sa kanyang health condition. Ito rin ang isa ito sa mga rason kung bakit mas gusto niyang sa US magpabakuna, “Medyo half-half ako sa bakuna kasi, ‘di ba, organic (lifestyle) ako? Tapos ang ano du’n, kapag may mga sobrang allergy, huwag munang magpabakuna. “So ako, tingnan ko, kasi green card holder ako, kapag in case, knock on wood, magkasakit ako doon, baka gawan naman nila ng paraan na gamutin ako,” ang chika pa ng komedyana sa isang panayam ng GMA. Dagdag pa ni Ai Ai, ayaw din niyang gamitin ang pagiging celebrity para lang mabakunahan agad dito sa Pilipinas, “Ayaw ko kasi mas maraming nangangailangan sa akin, ‘di ba? “Maraming matatanda diyan, maraming nangangailangan ng bakuna, sasama pa ba ako doon? “Doon na lang ako (sa US). Doon kasi, kapag green card holder ka, libre ka. Pero si Gerald, hindi pa siya green card holder, tourist pa lang, so $20,” paliwanag ng Kapuso comedienne. Abot-langit naman ang pasasalamat ni Ai Ai sa Diyos dahil nananatiling COVID-19-free ang kanyang pamilya, “Nagpapasalamat ako na never kaming nagkasakit, kahit man lang sipon, ng buong pamilya ko. “Napakalaking bagay no’n kasi meron kaming (senior), ‘di ba, yung nanay ko is 93 years old na. Yun ang parating ipinagdarasal ko sa Panginoon, ‘Lord, huwag po sana kaming magkasakit. Wala po sanang maging positive sa amin.’ “Yung kahit man lang sipon o konting ubo, wala talaga, kasi nakakatakot ‘yon, ‘di ba?” lahad pa ni Ai Ai. Sa nasabi ring panayam, naibahagi niya ang naranasan niya last year kung saan naglagas daw ang kanyang buhok dahil sa stress sanhi ng pandemya. “Subconsciously, hindi ko alam nasu-super stressed na pala ako. Idine-deny ko sa sarili ko kasi, ‘di ba, fighter ako? Lalaban ako kahit alam kong, ‘Paano kami, Lord? Ano’ng gagawin namin?’ “Hindi ko nari-realize, nakita ko na lang, malagas ‘yung buhok ko. Para akong may cancer, na ang dami talaga. Sabi ng ano, ‘Ah, stress ‘yan’ ‘Stress? Hindi naman ako nai-stress, ah,’ in denial ako. “Pero sa totoo lang, noong in-admit ko na stressed talaga ako, parang unti-unti hindi na siya nalalagas. Ang weird, ‘di ba?” pagbabahagi pa ng komedyana. Samantala, inamin naman ni Ai Ai na miss na miss na niya at nakakaramdam siya ng separation anxiety sa co-actors niya sa “Owe My Love.” “Alam mo, nagkaroon kami ng sepanx, lahat kami, sa sobrang close namin. Parang ang lungkot naming lahat. Sa totoo lang, naluha ako noong umuwi ako. Naiiyak ako kasi naaalala ko sila,” pag-amin niya sa isa pang interview. Gumaganap si Ai Ai sa serye as Vida Morales, ang may-ari ng Vida Rolling Store kung saan nagtrabaho si SenSen (Lovi Poe). Napaamin na si Vida na may feelings pa rin siya kay Doc Coops (Ryan Eigenmann) at may nabubuong love story na rin kina Evs (Kiray Celis) at Gwaps (Buboy Villar). Magkaka-#OMLForever din kaya sila? Abangan ang mga nakatutuwang eksena na ‘yan sa “Owe My Love,” weeknights, 9:35 p.m., pagkatapos ng “Heartful Cafe” sa GMA Telebabad. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~ https://bandera.inquirer.net/282946/angel-umaming-nabawasan-ang-pinag-aaral-na-iskolar-nahihiya-ako-sa-kanila-kasi Angel umaming nabawasan ang pinag-aaral na iskolar: Nahihiya ako sa kanila kasi… Ervin Santiago | Bandera April 27,2021 - 09:18 AM HINDI napigilan ng Kapamilya actress na si Angel Locsin ang maiyak nang marinig ang birthday message sa kanya ng mga cancer patient at scholars na tinutulungan niya. Isa-isang bumati kay Angel ang mga ito sa nakaraang episode ng programa niyang “Iba Yan” at nagpasalamat sa pagmamahal at patuloy na pagtulong sa kanila sa loob ng maraming taon. Sinorpresa ang dalaga ng kanyang “Iba ‘Yan” family bilang bahagi ng selebrasyon ng kanyang 36th birthday last April 23. Nagsilbing host naman ang kaibigan niyang si Angelica Panganiban. Ipinalabas sa nasabing episode ang compilation ng mga video greeting mula sa kanyang personal beneficiaries na nasa pangangalaga ng Cancer Warriors Foundation, pati na rin ang mga scholar niya sa Bukidnon. “Sana marami pa kayong matulungan na mga tao na katulad naming nangangailangan. Salamat sa pagtulong sa amin,” ang mensahe ng cancer patient na si Maynard Darang. Sabi naman ni Ysabelle Castillo, na patuloy ding lumalaban sa cancer, “Isa po talaga kayong anghel.” Nagbigay din ng message si Christopher Cayomoc, ang coordinator ng mga iskolar ni Angel mula sa Bukidnon, “Taos-puso kaming bumabati ng happy birthday, at maraming salamat sa binigay mong tulong sa mga scholars at sa aming lahat.” Habang umiiyak, nagbigay naman ng mensahe ng pasasalamat ang aktres sa lahat ng nakaalala sa kanyang kaarawan, lalo sa mga taong natutulungan niya. “Actually, nahihiya ako sa kanila, kasi ‘yung mga scholars natin sa Bukidnon, marami sila dati. Simula noong nawalan tayo ng franchise (ng ABS-CBN), hindi ko na mabigyan lahat,” ani Angel. “Iilan na lang sila ngayon. Kaya medyo hindi ako makapagpakita sa kanila, kasi nahihiya ako, kasi ‘yung commitment ko, hindi ko na maibigay sa kanila. “Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko ngayon, kasi parang feeling ko kulang pa,” pahayag ng fiancée ng film producer na si Neil Arce. Pinuri at binigyang-pagkilala rin ni Angel ang production team ng “Iba ‘Yan,” dahil sa sipag at dedikasyon ng mga ito sa trabaho. Sa kabila ng banta ng pandemya ay talagang ginagawa pa rin nila ang lahat para makapagbigay ng tulong sa mga nangangailangan. “Iba ‘yung passion niyo sa trabaho. Lagi ko kayo talaga ipagmamalaki dahil nakahanap ako ng grupo na iba ‘yung malasakit sa mga tao talaga. Hindi lang ‘to basta trabaho; serbisyo talaga ‘to,” pahayag ni Angel na tinaguriang real life Darna. Read more: https://bandera.inquirer.net/282946/angel-umaming-nabawasan-ang-pinag-aaral-na-iskolar-nahihiya-ako-sa-kanila-kasi#ixzz6tWeLhCbT Follow us: @inquirerdotnet on Twitter | inquirerdotnet on Facebook ~~~~~~~~~~~~~ Heart binalaan ang publiko laban sa sinungaling na doktor; netizen pinayuhang magdemanda Ervin Santiago | Bandera April 26,2021 - 01:12 PM BINALAAN ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang publiko, lalo na ang kanyang fans, laban sa mga doktor na nagsasabing niretoke ng mga ito at kanyang ilong. May nakarating kasi sa tinaguriang Queen of Creative Collaborations na may mga cosmetic surgeon umano na gumagamit sa pangalan niya para makakuha ng pasyente o kliyente. Ayon sa misis ni Chiz Escudero, may isang netizen ang nag-post sa social media na ang doktor daw na magreretoke sa kanya (rhinoplasty) ang gumawa umano sa ilong ni Heart. “The doctor who did Heart Evangelista’s nose is going to do mine. I am so EXCITED,” ang tweet ng nasabing netizen na deleted na ngayon. Tinanong naman ng “I Left My Heart In Sorsogon” actress ang nasabing Twitter user na sabihin sa kanya ang pangalan ng doktor at pinayuhan pang kasuhan ito dahil sa pagsisinungaling. “Who is this doctor because I can actually tell him I didn’t do my nose and he is lying to you. Please give me the name. You can actually sue him for lying to you,” pahayag ni Heart sa kanyang Twitter page. Aniya pa, “To anyone who claimed the same to you, please message me their names. This is horribly wrong. To lie to you about this is just so wrong. “I’d rather a rumor than someone actually claiming they did my nose (I did not),” dagdag pa ng aktres. Sa isa pa niyang social media post, ipinagdiinan ni Heart na wala pa siyang ipinareretoke sa kanyang mukha kaya maliwanag na fake news ang ipinagkakalat ng nasabing doktor na ito ang nag-opera sa ilong niya. “To anyone out there who wishes to get cosmetic surgery — I am for making yourself a better version, but DO NOT BELIEVE if they said they did my face — for the record, I didn’t. “(Probably) when I’m older and ‘di na kaya tiisin, I don’t mind doing some procedures and I will refer (someone) who is good,” dagdag pang chika ni Heart. Hindi ito ang unang pagkakataon na nagdenay ang aktres tungkol sa pagpaparetoke. Sa isa niyang Instagram post mariing itinanggi ni Heart na produkto ng siyensiya ang kanyang itsura ngayon. “I have never done anything to my face. My eyes, nose, etc., were made by God, I swear. I have nothing against it. In fact, I am for it if ikagaganda mo. “I just hate the idea that some people think I am lying. I also scar very bad so that freaks me out — knowing when I’m much, much older, how will I do some work?” sey pa ng leading lady nina Richard Yap at Paolo Contis sa upcoming Kapuso series na “I Left My Heart In Sorsogon.” ~~~~~~~~~~~~~~~ Community pantries: sampal sa mukha ng gobyerno Atty. Rudolf Philip B. Jurado | April 29,2021 - 04:34 PM Hindi maitatanggi na ang nagsulputang mga community pantries sa ibat-ibang lugar ay dala ng pagkabigo ng gobyerno na gampanan ang tungkulin nito sa panahon ng krisis dulot ng COVID -19. Bigo ang gobyerno na tulungan ang ating mga mahihirap na kababayan na maglatag ng pagkain sa kanilang mesa. Marami ang nawalan ng hanap buhay dahil sa umiiral na pandemya at ipinatutupad na quarantine. Bagamat pinilit ng ating gobyerno na mabigyan ng ayuda (financial assistance) ang mga mahihirap at yung mga lubos na naapektuhan ng krisis, ito ay hindi naman sapat upang maitawid ang marami sa kahirapan at kagutuman. Masasabi natin na walang agresibong aksyon ang ating gobyerno, o kung mayroon man ito ay hindi sapat upang buhayin ang ating ekonomiya na magbibigay sana ng hanapbuhay sa mga tao habang nananatili ang pandemya at pinaiiral ang quarantine. Hindi pa rin naipamimigay lahat ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ilang ahensya ng gobyerno ang mga ayuda o financial assistance sa mga beneficiaries nito maski noon pa ito nailaan. Ang huling ayuda na Php1,000, matapos ilagay ulit sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan, ay walang dudang hindi sapat. Bukod dito, pahirapan pa bago ito makuha dahil sa napakarami at nakakalitong patakaran. Ang kawalan ng aksyon o maling aksyon sa parte ng gobyerno na tugunan ang kahirapan at kagutuman sa panahon ng pandemya at quarantine ang nagtulak sa 26-anyos na si Patreng (Ana Patricia Non) upang tulungan ang naghihirap at nagugutum sa pamamagitan ng pagtayo ng kauna-unahang community pantry, ang Maginhawa Community Pantry. Tinayo ni Patreng ang Maginhawa Community Pantry upang matulungan ang mga taong nawalan ng hanap buhay dala ng crisis. Ito ay para sa mga taong naghihirap. Sa mga taong pinaproblema ang kakainin sa araw-araw. Walang ibang hangarin si Patreng kung hindi makatulong sa kapwa. Walang politika, walang kulay at walang inaasahang kapalit ang kanyang pagtulong. Ni hindi niya nga akalain na magiging simbolo ito ng isang malaking bayanihan at tutularan ng ibang tao. At lalong hindi nya akalain na pagbibintangan siyang isang komunista na naglagay sa kanyang buhay sa panganib.. Sa ngayon, mayroon na halos 400 community pantries sa bansa at ito ay inaasahang madadagdagan pa. Ang mga ito ay dinudumog halos araw-araw ng ating mga kababayan na naghihirap ngayon dala ng umiiral na pandemya at quarantine. Ang mga community pantries na ito ang nagbibigay sa kanila ng pag asa at kasiguraduhan na may makakain sila at ng kanilang pamilya sa araw -araw. Bagay na dapat na ginagawa ng gobyerno, pero hindi nagawa dahil sa kakulangan o walang pagkamalikhain (creativity) kung papaano resolbahin ang problemang kahirapan at kagutuman sa panahon ng pandemya. Nakakalungkot na imbes purihin si Patreng sa pagtulong sa ating kababayang naghihirap at nagugutom, siya ay inakusahan ng ilang opisyal ng gobyerno na kabilang sa grupong kumunista. Por dios santo, kailan pa naging kumunista ang pagtulong sa kapwa? Klaro na hindi nagugustuhan ng ating mga namumuno sa gobyerno ang mga community pantries dahil ito ay salamin ng kanilang pagkukulang at maling pamamahala. Isang masamang bangungut na pinapakita ang kapabayaan at pagkukulang ng gobyerno. Isang sampal sa muka ng gobyerno na tila walang ginagawa para maibsan ang paghihirap ng mga tao. Masakit din naman talagang tanggapin sa mga namumuno sa gobyerno na isang Patreng lang ang makakagawa ng isang tunay na malakihang bayanihan kung saan ang mga tao ay nagbuklod, nagkaisa at nagtulungan sa panahon ng crisis. Isang Patreng lang ang makakagawa ng solusyon upang maibsan lang maski pansamantala ang kahirapan at kagutuman ng mga tao sa panahon ng pandemya. Walang masama sa community pantry dahil ang layunin nito ay matulungan lamang ang mga mahihirap. Umaasa ang marami na ito ay mapanatili at magtagal pa. Para sa mga namumuno sa gobyerno, ang community pantry ay maging hamon sana sa inyo na pagbutihan ang pamamahala sa gobyerno. Isang technical working group ang binuo ng House committee on transportation upang plantsahin ang mga panukala na magpapababa sa singil ng mga shipping line na isa sa mga itinuturong dahilan ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.